Sinasabi o pinapakita sa litratong ito na ,kahit na sino ay
may kakayanang pumatay , Mas lalo na ang matataas na tao o mayayamang tao ,
Sapamamagitan ng kanilang salapi , Binibigyan nila ng kapalit ang taong
inatasan nilang gawan ng masama o hindi mabuti ang isang taong hindi nila
ninanais , Maraming kumakagat sa ganitong pagkakataon dahil narin sa kahirapan . Pinapakita rin sa litratong ito na pero
nalang ang nagpapagana o nag papagalaw sa tao , Dahil ang karamihan ay pera
nalamang ang kanilang sinasamba .
Ang aking himugkain sa ganitong sitwasyon ay , Hindi dapat
nagpapasilaw sa pera ang bawat tao dahil maraming bagay na masama ang maaring
mangyari sa kanila kapag natapos ang isang bagay na pera lang ang dahilan ng pag
gawa ng masama .
Ang Editoryal cartooning ay ang pagbibigay opinion ng
manunulat sa issue ng isang bansa sa kasalukuyan , Politika ang kadalasang
nilalaman ang ganitong pahayag , Hindi nila ginagawa ang bagay na ito para pag
tawanaan ang isang paksa (Tao) , Hindi rin dapat na ito ang dahilan ang
pagtatalo sa isang bagay na naitalakay .
Andre Nicolas Anenias . Malla
12
St . Francis De Sales
Ms . Ramos
Kahirapan
Ang kahirapan ang isa sa
mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling
pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong
mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”.
Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang
trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang
mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo
na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat
na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang
ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. Dapat
tayong lahat ay may kusa at may kakayahan na baguhin ang ating sarili. Hindi
tayo dapat umasa sa ating kapwa, dahil alam natin sa sarili natin na kaya
nating guminhawa ang ating buhay kung tayo lamang ay
madiskarteng mamamayan. Kung madiskarte ka, makaakangat ka sa buhay. Hindi
masamang maging mahirap, ang masama ay mamamatay ka ng mahirap. Lahat tayo ay
may kanya kanyang pangarap sa buhay. Ihihinto mo ba ang pangarap mo, ng dahilsa
kahirapan? Hindi, gawin mo itong inspirasyon upang matupad mo ang iyong
pangarap sa buhay.
12 St . Francis De Sales
Ms . Ramos
Sa
kasalukuyang panahon na napakahirap kumayod, di maalintana na hirap na hirap na
ang mga manggagawa bago pa makatikim ng kaginhawaan matapos ang kanilang
paghihirap. Hindi madali lalu na’t may mga pamilya na ang karamihan sa
mangagawa, kung kaya’t dinodoble pa nila ang hirap upang makamit ang mga
pangunahing pangangailangan pa lamang. Pagkain,damit at tirahan. Kailangan
magkaroon ng pagpapanatili sa mga bagay
na ito. Sapagkat ito ang pinaka unang kailangan ng bawat indibidwal. Ni hindi
ko maintindihan kung bakit nataas ang presyo ng mga bilihin kung sa gayong
hindi naman nataas ang sahod ng mga empleyado. Saan sila kukuha ng pambili?
Paano nila mabubuhay ang kanilang pamilyang binuo?. Maaaring mahirap humingi ng
adikhain sa mga lokal na gobyernong yunit ngunit sapat na siguro ang mga pahayagang
kanilang mababasa sa pang araw-araw. Mahalaga sa kanila ang mga suhestiyon at
komentong magmumula sa ating mga mamamayan ng kanilang lokal, sapagkat sila ay
naatasan upang tayo ay paglingkuran at pangalagaan. Kung kaya’t marapat na
tayong magtulungan upang magkaroon ng pagkakaisa ang mamamayan at ang gobyerno.
Sapagkat ang isang bansang nagkakaisa ay hindi makakaramdam ng pagdurusa.
12 St . Francis De Sales
Ms . Ramos
Hindi makakaila ang di matigil-tigil
na labanan sa pagitan ng droga at kapulisan. Nagsimula na ang pagsugpo bago pa
man umupo si Pangulong Duterte sa kanyang puwesto. Lantad sa mga balitang
marririnig sa telebisyon at radio ang bilang ng mga sumusuko, nahuhuli na adik
o pusher. Ang tanong ngayon, kung ang pagtitigil ng droga ay para kabuuan ng
bansa bakit tila maliliit lang na tao ang nananagot? Nasaan ang mga puno’t mga
ugat, ang mga nagsimuno at nagpalago? Sa giyera kontra droga ni Duterte, hindi
maiiwasan ang labanan ng dalawang panig. Maging maganda man ang paraan ng
pagsugpo sa droga ni Duterte, marami pa rin ang hindi sumasang-ayon sa
pamamaraang ito nang dahil sa mga inosenteng taong nadadamay. Nagkaroon ng
pagaalala ang mamayang Pilipino sapagkat buhay nila ang kapalit sa maling pasya
ng mga awtoridad kaya patuloy pa rin ang labanan, pero sana sa pagkakataong
ito, ang ugat mismo ng puno ng kaguluhan ang siyang matatamaan ng mga balang
galing sa labanan ng dalawang panig. Sana darating ang panahon na sa pangunguna
ng administrasyong Duterte ay tuluyan ng masugpo at matigil ang transaksyong
may kinalaman sa droga. Sa tulong ng puspusang pagsisikap ng pangulo ay tuluyan
ng maisabuhay ang batas na kung sino ang may kasalanan ay syang dapat na
managot. Sana darating ang panahon na mapaparusahan ang mga puno’t ugat ng
ipinagbabawal na mga gamot upang muling manumbalik ang kahusayan at kapayapaan
ng bansa.
Joyce C. Ross
12 St . Francis De Sales
Ms . Ramos
Comments
Post a Comment