Skip to main content

Pinakamasayang pangyayari sa buhay ko.




*****************************************************


"Pasko 2017"

Ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko ay noong nakaraang pasko, December 25, 2017 dahil kumpleto kaming pamilya, naroon ang aking magulang at ang aking mga kapatid. Tulong-tulong kami sa paghahanda n gaming pagsasaluhan para sa pagsalubong ng pasko.

Niregaluhan ako ng aking ama ng matagal ko ng pinapangarap na cellphone, at matapos non inabot naman ng aking ina ang regalo nya sa aking sapatos. Matapos naman non ay nagpalitan na kaming magkakapatid ng hinanda naming regalo sa isa’t- isa, pagkatapos naming mag-abutan ng regalo ay sabay sabay naming binuksan ang natanggap naming regalo, matapos naming itong bbuksan ay naglabas naman ng barya ang aking ama upang ipaagaw sa aming magkakapatid. Tinulak ko ang aking mga kapatid upang mas madami akong makuhang barya kaysa sa kanila ngunit nabigo akong makaagaw ng maraming barya.

Natutunan kong sulitin ang bawat oras na kasama ang aking pamilya, dahil walang kasiguraduhan kung kalian ulit kami makukumpletong masayang pamilya. Ang bawat oras na kasama ko ang aking pamilya ay mas lalo kong natutunan na mas mahalin sila.
- Joyce C. Ross



______________________________________________________

“Boxer”
Pamagat pa lamang ay natatawa na ako eh. Bakit boxer? Eto yan. March 23, 2018, biyernes nung araw na iyon. Napakasarap ng aking tulog, di ko na namalayan na alas nuebe nap ala ng umaga. Kaya ako’y dali-daling bumangon at kumain. Di ko nga alam kung almusal o tanghalian yung kinain ko eh. Pagkatapos kong kumain ako’y lumabas ng bahay at tatambay sa kubo sa tabi ng lawa. Sobrang sarap sa pakiramdam, ako ay nagpapatugtog pa doon. Kasama ko ang pinsan kong si Joel. Tawanan, kantahan, hanggang sa tumawag si papa sa akin. “ Patayin mo yung speaker” sabi ko. Lumayo muna ako at sinagot ko ang tawag.

“Pa?” ang sabi ko. “Kuya punta ka dito sa shop, ASAP na” sabi naman ni papa. Edi ako naman nagmadali kasi sabi “ASAP” eh. Okay na pabango. At papunta na ako sa shop naming. Nakasalubong ko si Aldrin. Kamustahan. Sabay bawal sabihin dito eh. Basta inangat nya yung gitnang daliri niya. Gumanti naman ako,para patas. At nandito na ako sa shop. “Pa, ano po yon?” sabi ko. “Punta kang SM calamba, tumingin ka ng mga gamit pang-gym.” Sabi nya. “Sige po pa, penge pong pamasahe” sabi ko. At ayun na nga nakasakay na ako ng tricycle papuntang bayan.  “Para po” sabi ko. Sakto may jeep na papuntang SM Calamba,edi sakay naman ako. Pasaway ako kaya sa dulo ako umupo. “Bayad po” sabi ko sa driver ng jeep. Nasa tapat na ako ng Alfamart ng mapansin ko na parang anlamig. NAKA BOXER PA PALA AKO! Takte yan. Gusto kong bumaba para umuwi, pero nanghihinayang ako sa pamasahe ko. Natatawa ako na nahihiya eh. Makalipas ang ilang minute ay nandito na ako sa SM Calamba. Medyo madaming tao. Hiyang hiya na ako sa sarili ko. Pero eto ang nakatakdang nangyari, kaya wala ng atrasan. Woooooh! Anlamig sa loob! Binilisan ko nalang ang lakad ko para walang makapansin sa suot ko.”Ngayon lang ba kayo nakakita ng naka boxer sa mall?”, sabi ko sa sarili ko.
Tingin-tingin sa paligid, at hanapin and dapat hanapin. Sa wakas, nakita ko din. Pasok sa loob, tingin sa presyo. Ayun! Ginto ata to! Kinuhaan ko ng litrato lahat ng kagamitan pang ehersisyo. Pati ang presyo nila. Anlamig talaga, hindi ko na kaya. Aalis na ako dito. Kaya bumaba na ako at dere deretso palabas. Halos mag-iisang oras din ako sa Sm eh. Hanap ng jeep, Ayun!. Antagal umalis, palagi namang ganito. Lumipas ang ilang minute ay paalis na ang jeep na aking sinasakyan.

“Bayad po.!” sabi ko. “Bayad daw po”, “Bayad daw po”, “Bayad daw po”. Sabi ng paulit-ulit dahil nasa gitna ako. Lumipas ulit ang ilang minute ay malapit na ako sa mitz. Sa anos na ako bumaba para medyo malapit sa amin. Lakad ng kaunti at ayun na, nasa shop na ako. Pero wala doon si papa,nakauwi na daw dahil tanghalian na. Kaya naman eto ang pinakamasaya at hinding hindi ko makakalimutan na nangyari para saakin, kasi nagawa ko yung di magawa ng iba. May natutunan din ako dito e. “ Bakit ka sisimangot, kung pwede ka naman ngumiti.” Bow!                                     
- Patrick Anjello S. Paliza




_____________________________________________________________________________________

                                                           “Bagong Taon”

Ang pinakamasayang nangyari sa aking buhay, hanggang sa ngayon ay ang nakumpleto kaming buong pamilya noong January 1,2016. Naroon ang aking  mga tito, tita, ninang, ninong, nanay, tatay, kapatid, pamangkin,ang aking mga pinsan. At ang aking lola,maraming pagkain ang nakahain sa hapagkainan na aming pagsasaluhan sa pagsalubong sa bagong taon.
Naglaro kami ng mga pailaw sa bagong taon upang masulit ang pagkakataon, dahil minsan lang kami makumpleto. Tumulong din kaming magpipinsan sa pagluluto o paghahanda ng pagkain, maaga palang sinulit na naming ang pagkakataon,kami ay kumain ng marami at pinagkwentuhan an gaming pinagkakaabalahan habang kami ay malaya sa isa’t – isa. Habang sa kalagitnaan ng kwentuhan ay nagpaagaw ng maraming barya ang aming tita. Sa sobrang katuwaan hindi na muna o kinalimutan naming ang isa’t- isa na kami ay magkakamag-anak upang makakuha ng barya.Matapos ang bagong taon, naguwian na an gaming kamag-anak at nagpaalam na saamin, bago sila umuwi (aking mga pinsan) nagpalitan kami ng regalo.

Sa kabila pala ng isang araw,ay taon palang kalungkutan ang kapalit nito. Pamula noon hanggang sa ngayon, ay hindi po muli kami nakumpleto, ang aking natutunan ay sulitin ang bawat oras na ikaw ay masaya, dahil walang kasiguraduhan na mauulit ito.       
- Andre Nicolas A. Malla

_____________________________________________________

"Salubong"


Ang Pagsalubong sa Bagong taon na isa sa pinakamasayang celebration dahil isang taon lang ito maganap. Dahil ito ang pinakamasaya sa akin dahil sama-sama kame mag papapamilya at Salo-salo sa Handang hinaihin nang Buong Pamliya, Masaya ako dahil Makikita ko ulet ang aking mga Kamag-anak at mga Pinsan na isang taong mo lang makita. Masaya kame dahil nakita kame ulet Sama sama at Masaya kwentuhan kahit  Ilang araw lang sila dito. at Syempre mawawala ba sa Bagong taon ang Pagbibigay o Pag-papapalit nang Regalo isa sa Pinakamasayang Parte nang Bagong Taon Marami kame napag Kwentuhan at Masasayang Alaala na Nabuo Samahan Sasama sama sa pagdiriwang nang Bagong taon Bagong Buhay Bagong Kaibigan at Bagong Pamilya na Makakasama mo. Masaya ang Lahat sino nga Ba ang hindi masaya sa Pagsapit nang Bagong taon, Masaya kame dahil Sabay-sabay kame na na nonood at nakatingala sa taas nang kalangitan habang pinag mamasdan ang Magagandang Kulay na Sumasabog sa Kalangitan. Bagong taon Bagong Kapamilya ang Dumarating kasi sabi nga Mas-Masaya kapag Maraming Pamilya Masaya dahil nadadagdagan na lahi namin Ang higit sa Lahat kahit na isang beses lang sa isang taong ang pagdiriwang nang Bagong taon.” Sama-sama kame sa Pagsisimba at Sama-sama nag Papasalamat sa Panginoong Diyos sa Biyaya na natatamo namin mag Papamilya sa Araw-araw. masaya ako kahit na sa  Sandaling nagkasama-sama kame may mga alala na dapat hindi mo makakalimutan at hindi mo  Maranasan ang Bagong Taon,Sapagkat ang espiritu ng tunay na pag-ibig at pagbibigayan ay sa mga pamilyang Pilipino lamang mararanasan.” kaya Masaya ang pag diriwang nang bagong taon Sama-sama ang Buong Pamilya na kame kahit hindi gaano karami ang Handa o Masasarap man na Handa basta Buo kame mag papamilya wala nang Sasarap pa sa Pagkain nakahahin sa Habang kainan kung buo Ang pamilya. at Higit sa Ang bagong taon ang panahon nang pagsasama-sama ng bawat miyembro ng pamilyang Pinoy at mga malalapit na kaibigan. Ito rin ang panahon nang mataos na pasasalamat sa Diyos na patuloy na namamahagi ng kanyang mga biyaya, pag-ibig at pagkalinga sa lahat ng Kanyang pinakamamahal na anak. at Dito na Matatapos ang aking kwento at nag Papasalamat ako dahil nag karoon nang Bagong taon at nag papasalamat ako sa Panginoon Diyos at sa Susunod pang Bagong Taon na darating at masasayang alala na mabubuo pa at Isang Pamilyang Masaya.                 

                              -John Francis Yamar
_________________________________________________


"Surprise" 


Ang isa sa pinaka masayang nangyari sa buhay ko ay ung sinurpresa ako ng aking mga kaibigan na sila Ruth at Jessica nung aking kaarawan noong kami ay Grade-9 palamang wala akong ka ideya ideya noon na may ganon pala silang pakulo hahaha at nung araw din na yon late nako nakapasok dahil tinanghali ako ng gising hahaha tapos pakapasok ko sa loob ng classroom namin meron nakalagay na tatlong lobo at isang folder na nakalagay "HAPPY BIRTHDAY KIM!" At ang mas nakakatuwa pa non ay pinasulatan nila yung lobo na ibinigay nila sakin sa mga kakilala ko at meron pa ngang hindi eh hahahaha peroang pinaka gusto kong nagsulat dun sa lobo ay yung crush ko hahahaha sobrasobra nag tuwa ko non hini ko akalain na mapagsusulat nila yung crush kong yun taposnung binigay nila sakin yung regalo nila pagka bukas ko bumungad sakin yung resibo ng pinagbayaran nila hahahaha kaya niloloko ko sila na "Pinababayaran niyo ba? Hahaha" tas pag tingin nila sakin hawak ko yung resibo ng pinagbayaran kaya ang ginawa ni Ruth hinigit sakin yung resibo sabay sabing "Hindi. Hahahaha" At noong tapos na ang aming klase nilibre ko sila at sabay sabay kaming kumain ng dahil sa ginawa nilang iyon sobra nila akong napasaya sana may tao pang gumawa ng ginawa nila o kaya naman sana gawin ulit nila yun sakin hahahaha nakakataba kasi ng puso.                            -Kimberly L. Torino



_____________________________________________________



"Bestfriend"

Isa sa pinakamasayang nangyare sa buhay ko ay noong may nakilala akong isang taong nagpasaya sakin, nagparamdam na di ako nag-iisa, simula nung nakilala ko sya,sya yung taong andyan palagi para sakin sa lahat ng oras, sa mga panahong may problema ko, andyan sya palagi para payuhan ako. Para ipaalam  na mali na yung ginagawa ko, pinamulat nya ko sa mga katotohanan, yung feeling na parehas kaming may care sa isa't isa. Always magkausap,magkasama. Marami na kaming memories, yung kahit palaging nag-aaway di namin matiis ang isa't isa na patagalin na di kami magkaayos. Sa bawat pag aaway namin may natututunan kami. Sya yung taong tinaggap ako kung sino ako. Yung kahit anong problema pa yung dumating samin, sabay namin hinaharap ng magkasama.

 Isa sa pinakamasayang memories namin ay noong pumunta kami ng halang,pumunta kami para sa idol na singer namin, pero pagpunta namin don tapos nang magperform yung idol namin, nawalan na kami ng pag-asa, pero noong nanood na kami ng fireworks yumakap sya sakin, di ko inaasahan na sabat kaming nanonood habang nakayakap sya, inenjoy namin yung araw na yon hanggang sa pag-uwi tawa lang kami ng tawa. Masaya ko dahil nakilala ko sya bilang bestfriend ko. Yung nagkakasundo kami sa lahat ng bagat, yung kahit di naman nakakatawa pero tatawa kami, sobrang dami kong natutunan sa kanya, hanggang ngayon halos araw araw may memories kami, komportable ko pag kasama ko sya. Di ako sanay pag di ko sya kausap, feeling ko di ako kumpleto pag wala sya,basta masaya ako nung nakilala ko sya.

Sa kanya ko naramdaman na may nagmamahal at nagpapahalaga saakin.Sarap sa feeling yung sabay kayong bubuo ng mga pangarap, pangarap na makapagtapos ng pag-aaral para makatulong sa pamilya.
- Wendy C. Pamulaklakin


___________________________________________________







"Noong ako'y bata pa"

Ang pinaka masayang nangyare sa buhay ko ay yung nanalo ako sa math rathon nung ako ay grade 6 . Sobrang saya ko non kasi lahat ng matatalino sa math sa ibat ibatng school sa los baños ay tinalo ko . At nung lumaban naman ako sa liliw laguna ay natalo nako pero masaya padin ako kase nakaabot ako don upang lumaban sa patalasan sa math at dinadala ko ang bayan ng los baños laguna .Isa pa sa pinakamasayang nangyare sa buhay ko ay yung nakasama ko lahat ng mahal ko sa buhay nung araw ng pasko . At don ko naramdaman na hindi pala ako nag iisa at meron pala na mga taong laging nandyan upang gabayan at alalayan ako sa mga bagay na dapat kong gawin . Masaya ako nung araw na yon kasi naramdaman ko na madaming tao ang nandyan para sakin hindi pang pamilya ko kundi pati nadin mga kaibigan ko
- Eric John Bacani


Jaira And
__________________________________________________



" Noong nakilala kita"

Araw ng sabado(Abril 16, 2016) noong biglang lumabas ang pangalan mo, ni wala akong ideya kung saan ka humugot ng lakas ng loob para makausap ako sa pamamagitan ng messenger. Bakasyon noon bago magpasukan bago tayo mag Grade 10. Tinanong mo ko non kung saan ko balak magpatuloy ng pag aaral at agad naman kitang sinagod ngunit may kasamang pag-aalinlangan. Dahil noong nakaraang taon ay hindi man natin sinasabi sa isa't isa ay alam kong pareho tayong irita sa pareho nating presensya. Hindi ko alam. Baka nga yung kasabihan na "The more you hate, the more you love". Kinaiinisan kita dahil sa taglay mong pagkabully, sa pagiging pala utos mo at pagiging materialistic mo, at ikaw naman ay naiinis sakin dahil sa ingay ko na gusto mong ikaw lang ang gumagawa noon sa inyong silid. Sa tuwing paparating ka mula sa kantina ay agad akong lumalabas dahil na rin sa  takot ng iyong pagiging siga.

Ngunit nagbago ang lahat. Niyaya mo ako noon na samahan kita sa San Pablo upang bumili ng iyong unipormeng gagamitin sa darating na pasukan. Araw ng miyerkules noong ika- 8 ng buwan ng Hunyo, napagdesisyunan nating bumili at kasama mo pa ang pinsan ng iyong lola na si Nay Pat. Pagbaba ko ng jeep sa bae kung saan kita natagpuan. Nakita ko agad, sa mga mata mo kung gaano ka kabuting tao. Nung araw na yon nagustuhan na agad kita. Nagpost ka pa nga sa iyong 'facebook' na papunta na tayong San Pablo at di ako makatabi sayo, bakit ganon, hindi pwede, mali. Araw araw tayong magkausap , sa chat o sa text. Naging palagay ang loob sa isa't isa hanggang sa mapagpasyahan kong umamin noong Hulyo 15, di na kaya ng dibdib ko, hulog na hulog na ako sa'yo. At sumunod na buwan din ay ika'y umamin. Sa wakas naging pareho na ang ating damdamin. Ilang buwan pa at dumaan na ang pasko at bagong taon, naging opisyal na tayo noong Enero 17, taong 2017. Naging masaya ngunit may hangganan nga pala ang lahat. Nakakilala ka ng babaeng higit na mas maganda sa akin, may hubog ang katawan at mas magaling magdala ng damit. Popular sya sa iyong paaralang pinapasukan at madalas syang usap usapan. Akala ko hindi totoo, akala ko panaginip lang lahat ng nangyari. Hindi ako makapaniwala, asan na yung mga ipinangako mo? Ang bumuhay sa mga dugo ko noon, nagiging dahilan na ng pagkamatay kong emosyonal ngayon. Hindi ko alam, nahihirapan ako. Mahirap, mahirap mabuhay nang nasanay akong lagi kang andito sa tabi ko. Iniiwasan na kita ganun pa mang legal tayo sa pamilya mo bilang mag bestfriend at alam kong may ideya sila na naging tayo. Hanap nila ako at nahihirapan ako lalong umiwas dahil sa hiya at utang na loob sa kanila. Nawa'y maging masaya ka gaya ng pagiging masaya ko noong nasa relasyon natin tayo. Hindi na maibabalik ang mga pangyayari ngunit nag-iwan ito ng pinakamasayang mga araw sa buhay ko. Salamat :)
   
-Jaira Andrea Buena

Comments

Popular posts from this blog

POSISYONG PAPEL

Sinasabi o pinapakita sa litratong ito na ,kahit na sino ay may kakayanang pumatay , Mas lalo na ang matataas na tao o mayayamang tao , Sapamamagitan ng kanilang salapi , Binibigyan nila ng kapalit ang taong inatasan nilang gawan ng masama o hindi mabuti ang isang taong hindi nila ninanais , Maraming kumakagat sa ganitong pagkakataon dahil narin sa kahirapan   . Pinapakita rin sa litratong ito na pero nalang ang nagpapagana o nag papagalaw sa tao , Dahil ang karamihan ay pera nalamang ang kanilang sinasamba . Ang aking himugkain sa ganitong sitwasyon ay , Hindi dapat nagpapasilaw sa pera ang bawat tao dahil maraming bagay na masama ang maaring mangyari sa kanila kapag natapos ang isang bagay na pera lang ang dahilan ng pag gawa ng masama . Ang Editoryal cartooning ay ang pagbibigay opinion ng manunulat sa issue ng isang bansa sa kasalukuyan , Politika ang kadalasang nilalaman ang ganitong pahayag , Hindi nila ginagawa ang bagay na ito para pag tawanaan ang isang paksa (Tao)...